ManuScript Details
|
Paper Id:
|
IJARW3045
|
|
Title:
|
ISYUNG PANLIPUNAN SA FACEBOOK AT KASANAYANG PANGGRAMATIKA NG KRITIKA NG MGA MAG-AARAL SA PANAHON NG DIGITALISASYON
|
| Published in: |
International Journal Of All Research Writings |
| Publisher: |
IJARW |
| ISSN: |
2582-1008 |
| Volume / Issue: |
Volume 7 Issue 11 |
| Pages: |
19
|
| Published On: |
5/13/2026 1:17:16 AM (MM/dd/yyyy) |
Main Author Details
|
Name:
|
PEARL ANGELIE C. MERCULIO |
| Institute: |
DON CARLOS POLYTECHNIC COLLEGE |
Co - Author Details
| Author Name |
Author Institute |
| Dr. Charissa L. Canubas |
Central Mindanao University |
Abstract
|
Research Area:
|
Education |
| KeyWord: |
Isyung Panlipunan, Kakayahang Gramatika, Kritika, Facebook, Digitalisasyon |
| Abstract: |
Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng Facebook, ang mga mag-aaral ay nagiging mas aktibo sa pagpapahayag ng kanilang mga opinyon at pananaw sa mga isyung panlipunan. Gayunpaman, ang kakulangan sa kasanayan sa gramatika ay nagiging hadlang sa epektibong komunikasyon. Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang mga napapanahong isyu sa lipunan na kadalasang nakikita ng mga mag-aaral, masuri ang uri ng kanilang kritika, tukuyin ang karaniwang kamalian sa gramatika, at magmungkahi ng mga estratehiya upang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa tamang paggamit ng gramatika. Isinagawa ang pananaliksik gamit ang kwalitatibong disenyo na may deskriptibong analitikal na lapit. Ginamit ang Video Elicitation with Written Response bilang pangunahing instrumento, kalakip ang sarbey at open-ended na tanong upang mapalalim ang datos. Sa pagpili ng mga kalahok, ipinatupad ang purposive sampling upang matiyak ang kaugnayan ng mga respondente sa layunin ng pag-aaral. Sinuri ang mga nakalap na datos sa pamamagitan ng thematic analisis upang matukoy ang uri ng kritika at mga kamalian sa gramatika. Lumabas sa resulta na ang mga isyung madalas tinutukoy ng mga mag-aaral ay ang agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, kontrobersiyal na pagkakakilanlan ni Mayor Alice Guo, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at pagpapatupad ng batas sa diborsiyo. Natukoy na ang uri ng kritika ay emosyonal, ideolohikal, impulsibo, at anekdotal samantalang ang karaniwang kamalian sa gramatika ay pagbaybay, pagbabantas, maling paggamit ng malaki at maliit na titik, pagdurugtong o paghihiwalay ng salita, pag-uulit ng pantig, at pagpapaikli ng salita. Iminumungkahi ng pag-aaral ang sistematikong pagtuturo ng gramatika, pagbibigay ng sapat na pagsasanay at feedback, integrasyon sa pagtuturo, pagpapalawak ng pagkakataon sa pagpapahayag, pagpapaunlad ng kritikal na pag-iisip, at paggamit ng epektibong kagamitang panturo upang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa gramatika. |
Citations
Copy and paste a formatted citation or use one of the links to import into a bibliography manager and reference.
|
IEEE
|
PEARL ANGELIE C. MERCULIO, Dr. Charissa L. Canubas, "ISYUNG PANLIPUNAN SA FACEBOOK AT KASANAYANG PANGGRAMATIKA NG KRITIKA NG MGA MAG-AARAL SA PANAHON NG DIGITALISASYON", International Journal Of All Research Writings,
vol. 7, no. 11, pp. 217-235, 2026.
|
|
MLA
|
PEARL ANGELIE C. MERCULIO, Dr. Charissa L. Canubas "ISYUNG PANLIPUNAN SA FACEBOOK AT KASANAYANG PANGGRAMATIKA NG KRITIKA NG MGA MAG-AARAL SA PANAHON NG DIGITALISASYON." International Journal Of All Research Writings,
vol 7, no. 11, 2026, pp. 217-235.
|
|
APA
|
PEARL ANGELIE C. MERCULIO, Dr. Charissa L. Canubas (2026). ISYUNG PANLIPUNAN SA FACEBOOK AT KASANAYANG PANGGRAMATIKA NG KRITIKA NG MGA MAG-AARAL SA PANAHON NG DIGITALISASYON. International Journal Of All Research Writings,
7(11), 217-235.
|
ISYUNG PANLIPUNAN SA FACEBOOK AT KASANAYANG PANGGRAMATIKA NG KRITIKA NG MGA MAG-AARAL SA PANAHON NG DIGITALISASYON
Number Of Downloads - 1
Last downloaded on 22/05/2026
ISYUNG PANLIPUNAN SA FACEBOOK AT KASANAYANG PANGGRAMATIKA NG KRITIKA NG MGA MAG-AARAL SA PANAHON NG DIGITALISASYON
Search On Google